Jan 13, 2007

If there's a will, there's a way

Okay. Sobrang saya ng araw na 'to. Mga detalye ay SUSUnod. (Boy Abunda style, kung di niyo alam manood kayo ng The Buzz kahit 1 minute lang)

Pagkagising ko, excited akong mag practice. HAHA. Seryoso.
Kasi naman inaabangan ko yung pictorial namin ng COPS. HAHA. Pero hindi siya natuloy. Ayos lang. May bukas pa. hehe.
Practice namin dapat, 9:30 - 4:00 eh kaso, merong nagsabi samin na hanggang 12:00 lang. No choice kami. Pero ang thing lang dun inaprove nila yung reply slip na binigay samin. Pero well. Flaws.

So yun. Nagplano kami na lalabas ng katipunan, pupuntang MCDO para kumain kasi kumakalam na ang mga tyan namin matapos ang pagpractice ng 2nd stanza. Whew. HEHE.

Pero may problema. Iilan lang samin ang merong dalang comuter's pass! Lagot.
Pero "If there's a will, there's a way"

Yan. Yun yun eh. HEHE.
So kanya kanya na kami, meet nalang sa MCDO. Saya
Naiwan kaming lima. Tatlo samin may commuter's pass. Dalawa wala. Ako at si Lora.
Nung medyo tumagal na, syempre pinauna na namin silang 3 kasi meron naman silang pass. Naiwan ko kasi commuter's pass ko kasi akala ko hindi kailangan so yon.

Nung humiwalay kami ni Lora, eto na. THRILLER *Micheal Jackson song chuva*

Una tinawagan ko papa ko para magpasundo tapos hatid kami ni Lora sa MCDO.


Papa: Bakit ako pupunta dun? *tinanong kay mama kasi si mama yung kausap ko*
Mama: eh baka ayaw silang palabasin.
(payag na payag sila xD)

Yun nga.
Eh papa ko dadaan sa Ateneo.
So punta kami sa SAID para salubungin siya.

May dalawang nauna samin dun. Kinunsulta nung guard. Pinabalik.
Tapos kami na ni Lora.

Tumayo ako dun tabi ng gate ng SAID.

Guard: San commuters pass mo?
KO : Naiwan ko po sa bahay kasi di ko po alam na kailangan. Practice lang kasi namin ngayon. Antayin lang po namin papa ko dito.
Guard: eh ikaw? (tingin kay lora)
Lora: (may speech dapat pero...)
Guard: Diba may comuter's pass ka rin?
Lora:(loud and proud) OPO!
Guard: *itinaas ang isang kamay -- horizontally*
Lora: po?
KO : *titig*
Guard: *itinaas dalawang kamay*
Lora: Pwede po?
Guard: Dinalawa ko na nga eh

YOHN.
Speechless kami ni Lora. Pero dumaan kami. Pinapadaan eh! Alangan na tanggihan namin diba?
So daan kami. TAWA kami. AT MASAYA KAMI! hahahahahah

Inantay na namin si Papa dun sa EAPI. HAHAHA

Naisip ko lang, shems ganun ganun lang yon? Tipong naloka kami at inisip na -- dun nalang tayo sa bagahe ng taxi!
Shems. HAHAHA.

Tapos chibog na kami sa MCDO. Sabi namin ni Lora "Kakain talaga kami!" HAHAHA.
Nung pauwi sabay kami ni Kitkat. Naglakad lang kami pauwi. HOHO. Di ako napagod. Sanayan lang siguro at manhid na paa ko. HAHA.

Saya talaga. Memorable.
HAHAHA.








3 comments:

Anonymous said...

Yan naman kasi eh.
I LOVE MANONG GUARD EH!

Anonymous said...

kakatuwa naman experience nyo withe gusrd kala ko holdao yun pala padadaanin na rin kayo, nice!

Anonymous said...

Lora: YES
Cruise: onga eh. magaling kasi kami. HAHA. Kapanipaniwala ang mga peys.