Magkakaroon ng outing sa Choir namin next week. Yung outing na iyon ay sa La Union. 3-4 days ang itatagal. Nagpaalam ako kay mama last Friday. Simula nung nabanggit ko kung saan at kelan -- wala na siyang ibang sinagot kundi hindi ako pwedeng sumama.
Sabi niya, hindi pa daw ako malaki para sumama. Twing mag bibiyahe kami, halimbawa papuntang Ilocos o Baguio, sabi niya naka-depende ako lagi sa kanya. Tipong sinasabi niya na hindi ko pa kaya alagaan sarili ko -- na kailangan nandyan siya lagi. Sabi niya papayagan daw niya ako kapag malaki na ako.
Sabi ko, "kelan pa ko lalaki?"
Alam kong malaki na ko at kaya ko na sarili ko kahit mag-isa. Wala lang akong pagkakataon na maipakita iyon sa kanila ni papa. Bakit? Kasi hindi nila ako pinapayagan. Kahit pumunta nga ng mag-isa sa Riverbanks dahil napakalapit lang ayaw nila. Kaya ko iyon kung papayagan nila ako. Onting lakad lang naman eh. Aware naman din ako sa mga tao at yung mga pwede nilang magawa. Tinanong ko din kung pwede na ko sumama next year. Sabi niya "tingnan natin"
Inulit ko ulit yung sagot ko, na kelan pa ko lalaki.
Medyo nakakahiya yung sinabi ng mama ko sakin pero, sige sabihin ko na rin. Sabi niya "wag ka munang lumaki"
Nung time na iyon, nagrereklamo pa rin ako. Basta marami akong sinasabi. Tipong mga nasabi ko sa pagka inis at syempre pagkalungkot.
Pero naisip ko, wow teka, ang wirdo ng sinabi ni mama.
Bunso ako.
Nagiisang babae.
Unang beses ako nagpaalam para sa isang 3-4 day outing.
HAHA. Nagtaka pa ako kung bakit niya sinabi iyon.
HAHAHAHA.
Nag aalala daw siya. Malayo daw yung lugar. Mga bata pa rin yung mga kasama ko [16-22 yrs. old mga ka-choir ko at may isang 28 at isang 29 years old] Wala daw ibang matanda na kasama.
Sabi ko yun nga yung masaya kasi sa 3-4 na ara na iyon makakasama ko sila at syempre gusto ko rin silang makilala pa. Pero ayaw pa rin.
Ayaw pa rin.
Ayaw talaga.
DAMN IT!
Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin ang nararamdaman ko.
Naiinis.
Nalulungkot.
Mamaya lang maiinggit na rin.
Maasar.
Maghihinayang.
AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH
Kanina nagdasal ako. Habang nanonood ng Gokusen. Pinagusapan kasi namin iyong outing bago mag Gokusen. Sabi ko kay God, kapag tinapos ng GMA yung ending song ng Gokusen, hindi ko na pipilitin si mama. Pag hindi natapos, pipilitin ko pa rin siya.
Inisip ko "how ridiculous". Kasi nandun yung fact na ang GMA ay hindi kelan man nagpapatapos ng ending song. Nakakainis nga eh yung mag seset ng overall mood ng episode di nila tinatapos.
Yun nga, everyday hindi tinatapos ng GMA yung ending song ng Gokusen.
Pero natapos ngayon.
Natapos.
Iniisip ko kung nagkataon.
Nagkataon na tinapos nila yung song ngayon at ngayon din ako nag pray kay God.
Sa totoo lang ngayon lang ako humingi ng ganitong sign kay God, na tipong desperado akong makakita ng clue sa mga nangyayari. Dati tinry ko rin. Pero yung tipong "pa-dare" para kay God. Hindi sincere.
Ewan ko kung bat nagkatotoo pa..
Pero sasabihin ko sa inyo na hindi pa ko lubusang mapapaniwala nitong nangyari.
Pero... syempre -- nagkatotoo, nakakagulat iyon.
Nasa akin na rin yung desisyon kung tutuparin ko ngang hindi na kulitin si mama.
Feel ko nga imposible na hindi ko na siya kulitin kasi gusto ko nga eh. AS IN!
Nako. Ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon.
May meeting ang choir mamayang 8:00.
Paguusapan ang tungkol sa outing.
Tingnan ko nalang anong sunod mangyayari.
~ "Life is not easy for any of us. But what of that? We must have
perseverance and...
8 years ago
4 comments:
hehehehe ok ah independent ka na. ako parang ayoko sumama pag ganun. baby pa me eh hahahahaha. pero mababait naman ata ung mga nandon eh. pero syempre dapat rin cguro maging understanding sa parents.
huhuhuhu lawlz
XD
ako nga 17 na.. eherm, 18 na this year take note dear.. XD bihirang payagan sa mga ganyan! D;
D:
hay siguro nga parepareho lang us. lawlz
Post a Comment