Minsan nakakatuwa talaga ang Filipino. Ang sarap paglaruan ng mga salita. Biruin mo hanggang mga idioma (idioms) ay likas na pilosopo ang mga Pilipino. Saya noh? Natuwa lang ako kasi ito ang bago kong natutunan ngayong araw.
1. Nagsusunog ng kilay
Itong unang idioma ay kadalasang naririnig natin diba? Ang ibig sabihin ay masipag mag-aral. Ang pinagmulan ng idiomang ito ay ang tanyag na si Jose Rizal. Oo, dati kasi, lampara o kandila lang ang gamit nila sa pag-aaral. Eh itong si Rizal, kahit gabi tuloy ang ligaya sa pag-aaral. Anong napala? Nasunog ang kilay niya dahil malapit sa kanya ang kandilang ginagamit sa pagbabasa. Sapul! Nagsunog nga siya ng kilay.
2. Nagbibilang poste
Unang basa, parang ang wirdo na. Ang pinagmulan din wirdo at hindi lang isang tao. Dati hindi pa uso ang mga periyodiko, kaya ang mga panawagan para sa mga trabaho ay mga nakapaskil sa poste. (sabagay hanggang ngayon, uso pa rin yan. Kaso ngayon, nadagdagan lang ng mga mukha ng pulitiko.) Ang mga Pilipinong walang trabaho, laging nakatitig sa mga poste. "WANTED: TUBERO!" At kung hindi nila gusto ang trabahong nakapaskil sa isang poste, hala sige! Sa kabila naman. Nakaiilan kaya ang isang tao hanggang sa magustuhan niya ang trabaho?
Sa kasamaang palad talagang dalawa lang ang binigay na halimbawa sa amin. Pero sa susunod na makakakita ako ng idioma, tatanungin ko kung san nagmula. Malay niyo, bagong joke para sa araw na iyon :D
~ "Life is not easy for any of us. But what of that? We must have
perseverance and...
8 years ago
4 comments:
Ngayon lang ako nakarinig ng "Nagbibilang Poste" na yan. Heha.
nyahaha!!!
malaki rin kasi ulo ni rizal eh...
FEEL NA FEEL yung mga libro at yung mga kandila hahaha!
siguro panalibot niya sa kanya yung mga kandila haha
Nelson :: haha. ako rin eh nung sinabi lang sa amin
Lora :: pinalibutan ng kandila... nako parang meh lamay XD
nasunog pala talaga kilay ni rizal. hahaha bote nga
Post a Comment