Nov 16, 2007

Farm Visit

(Tagalog mode)

Hello. Kanina sinubukan kong magsulat ng english, kaso mas ma-eexpress ko ang sarili ko kung tatagalugin ko. Syempre magiging taglish na rin ito. Anyway.

Late na ako nagising -- 5:00 kasi departure 5:30 kamusta naman iyon.
Second to the last ako dumating sa bus. Buti nasa harap sina Donna.
Papunta tahimik mga tao sa bus, mga tulog. Minsan tatawa nalang bigla tapos tahimik ulit.

Nung nasa Calan, Batulao Batangas na kami, una naming ginawa nakipag interact sa mga grade school students. Sa totoo lang boring. Sa mga interaction na ganun, ang tingin ko wala talagang mapipiga sa mga bata. Yung tipong hindi ka nila papansinin -- kasi mga tanong sa kanila paulit ulit "anong pangalan mo? ilang taon ka na? nasan magulang mo?" diba? Parang mga karaniwang tanong na iyon sa kanila palagi. Iba yung experience kung lalabas ka, makikipaglaro ka sa bata. Tapos pag napagod, edi mag papahinga tapos kwentuhan -- yun yung gusto ko. Walang matututunan kung nakaupo lang eh.

Tapos makalipas ang 1 hour, edi pumunta na kaming Sugar Cane farm. Nilakad namin medyo malayo pero kaya naman. Pag dating dun ayun -- tinuruan kami ganyan ganyan. Tapos nung sinubukan ko na, bigat ng itak. Tapos mahirap siya, dapat talaga sanayan. Eh left handed pa ko, lahat ng ginagawa nila baliktad. Edi parang ako, pano kung namali yung pagka interpret ko sa mga tinuturo -- goodbye daliri na! hehe.

Pero, naging okay rin naman -- naka tabas naman ako ng tubo. Masarap ang tubo actually, matamis. haha. Naguwi ako kaso kaunti lang. Sayang

Tapos, ayun bumalik -- nag lunch na kami. Buti may spot sa likod nung eskwela na walang tao tapos may kawayang upuan. Kasama ko sina Russ, Eka, Bena, Donna, Joana, Espee, Gracel at si April. Bonding hahahaa. Okay rin naman kausap sina Russ at Eka. Siguro minsan na ssterotype ko rin mga kaklase ko na -- ay si ganto ganyan baka hindi niya maintindihan mga sinasabi ko, baka mamaya hindi ako papansinin. Iba pala pag kinausap mo na, sobrang ang daming mga bagay na pareho kayo -- marami ding hindi tapos masaya yung nakakausap mo ibang tao, nasshare niya opinions niya, natututo ka rin. Ang ganda ng ganun. Actually na pprejudice (?) ko din yung iba kong kaklase pero, okay naman pala sila. Sa ngayon wala namang problema.

ANYWAY. So kumakain kami, mamaya lumapit na mga bata. 2 sila. Umalis. Pasilip silip Aba pag balik sang dosena na ata kasama! Tapos ayun usap usap. Umalis uli sila. Bumalik yung mga lalakeng bata -- ang saya nila, ang kukulit at presto -- ang tunay nilang ugali. Sinabi ko sa sarili ko, tama nga ang interpretation ko, wala kang matututunan pag nakaupo. Hindi naman kasi sila ganun eh, kailangan gumagalaw. So ayun picture picture. Babaw ng kaligayahan nila. Kahit alam nilang hindi nila makukuha yung kopya ng mga litrato, basta makita lang nila yung itsura sa digicam, go sila.

Yun yung pinaka nagustuhan ko sa trip namin. Yung makita kung pano lumabas ang tunay na ugali.

Tapos nung pauwi, natuwa naman ako sa mga kwentuhan namin nila Donna, Joana, Bena, Espee at Ria. Basta random random -- mas nakilala ko pa nga si Bena eh ahaha hindi naman kami ganun ka close nung 3rd year. Pero ngayon parang, kilala ko na siya. HAHA.

Matapos makauwi, puno pa rin energy ko, sumama nalang ako sa practice sa choir. Masaya pa rin hanggang dun haha.

Bukas may wall climbing pa kami. Nung oras na 11:00. 6:30 ang alis KAMUSTA naman. HAHA Yaka yun. HAHA. Tumba tumba ako bukas nito hahaaa.

(( Hay, nakaka ewan talaga kapag magsusulat ka ng tagalog, malalabas lahat eh. Pag english, parang ang pormal. HAHA. ))

1 comment:

Anonymous said...

LOL <3 haha it's actually fun styling my hair. my hair is not that short short, about shoulder length and little longer. AH! XD the song is indeed a love, the song is called "I Hate It" by Ellegarden...luv em.