Matagal na rin nung huli akong sumulat dito HAHA. Marami kasing ginagawa tapos minsan, madali akong tamarin. Hindi muna ako gagamit ng English ngayon kasi pakiramdam ko hindi nanaman malalabas ang kung ano mang nais ko HAHA. Iba kasi kapag tagalog e -- diretso.
Ngayon -- jusko dami nang nangyari.
Dumaan ang Pasko at Bagong taon -- parang wala lang. Di ko nga naramdaman ang Pasko e. Ang turing ko sa pasko ngayon -- bakasyon! Nung bagong taon, naisip ko mga karaniwang ginagawa ng tao. Yung tipong gagawa ng New Year's resolution. Ay nako, di ako gagawa ng ganun. Feeling ko LOKOHAN ang new year's resolution. Just live your life and do things that are needed to. Hindi yung ay magiging ganito ako ay gusto ko na maging ganun. Kung gusto mo, GO. Gawa kaagad. Wag na yang resolution na isusulat sa papel at itatapon. Itatapon dahil may bagay na dumating at mali pala ang "akala" mo na mangyayari. HAHA
School. Eskwela.
Malapit na matapos! Pero -- ngayon naglalabasan mga kung ano anong results ng mga entrance exam. HAHA. Unang lumabas Ateneo -- syempre goodbye na diba HAHA. Okay lang sakin nung una. Pero what the hell may isang araw talagang biglang nagising ako at parang may bumulong na "HOY hindi ka pumasa..." nakakaasar! Well sige "bitter" na ko. Or pwedeng hindi rin bitter e, worse "inggit" lang ako. HAHA. Anyway, at least diba. Nakapasa nanaman akong UERM. Medyo asar pa rin ako -- feeling ko kasi boring dun e. HAHA.
Ngayong year, kapag bumabagsak ako -- okay lang.
Habol sa next. Kaya mga grades ko, okay lang. Di mataas di bagsak. HAHA. Panget no? Siguro maganda rin yung feeling na makikita mo sa card mo na "A" ang grade diba. Kahit sinasabi ng iba na "grade" lang yun, nakakataas kaya ng self-esteem! HAHA. Ewan ko, hindi ko lang magawa na mataasan ang mga grado ko kasi, syempre tamad :]
College. Di na pwede tamad. Pwede lang NERD GEEK SCHOLAR. HAHA
Pwede na rin feeling scholar HAHA. Seryoso. Ito na ang buhay na tatahakin mo -- kung gusto mo. HAHA. Depende rin kung magbago isip. Basta siguro enjoy nalang.
Parang SONGFEST.Enjoy lang -- mukhang bagay na wala lang or pinag praktisan na wala lang pero sa huli -- KASAMA sa finals! Yes. Parang last year lang rin nasama seksyon ko. O diba! Proud ako. Masaya masaya masaya.
Pero, syempre di ako nag eexpect. Yung tipong over confident. Sa lahat ng bagay dapat never maging over confident baka mamaya, over confident tapos -- wala na. Talo pala, kaw pa masasaktan ng todo.
Parang doctor -- over confident na okay na yung inoperahan tapos yun pala kinulang sa tahi -- wala na bubukas na yung tagiliran ng pasyente HAHA
Anyway.
Baka nursing na rin makuha kong course. Nako marami sigurong tanong kapag iyan ang course. Andyan mga tanong kung aalis ng bansa -- tapos yung iba galit sa nurse kasi umaalis tapos nauubusan na daw Pilipinas. Madaming "issue" na masarap talakayin at pag awayan. Mga isasagot ko? Di ko pa alam e. "I have the right to remain silent" AY wala na feeling nurse na HAHA.
Hindi ko pa rin naiimagine sarili ko na nurse ako. Wala nga akong makita kung anong nasa palad ko e! Basta.
ENJOY
nalang muna.
Walang masama sa pagtawa.
~ "Life is not easy for any of us. But what of that? We must have
perseverance and...
8 years ago
No comments:
Post a Comment