Feb 14, 2008

Happy Valentines

Medyo nawiwirduhan ako sa mga taong sobra sa pagkalungkot dahil wala silang date. HAHA. Siguro dahil hindi ko alam ang pakiramdam ng may date? hehe. Ewan

Teacher's day din sa school namin ngayon -- kaya 12:00 noon ang dismissal namin. Nung umaga, tutal wala namang ginagawa, naisipan namin ni Donna na gumawa ng mga liham para sa mga kaibigan namin. Nung una tinanong ko si Donna "Uyy para kanino yan?" Sabi ni Donna "Secret..." tapos tinitigan ko lang siya. Maya maya sabi niya "Nakakainis ka para sayo to e!" sabi ko "O? Weh" Natawa nalang ako kasi seryoso siya. So yun pinabayaan ko siyang magsulat at nang natapos niya, syempre binigay niya sakin.

Gumawa rin ako para kina Lora, Paula at Janelle.
Mga nakalagay dun

"Hindi man mukhang puso ang papel na ito, hindi magbabago ang pagtingin ko sayo"
"Sing linaw ng kulay ng pusong ito ang nadarama ko para sa iyo..."
"Single ka pa rin? Wag kang mag alala bukas ang puso ko para sa yo"

hahaha mga ganun ba.
Sobrang lagi ko na silang pinagtitripan. Ganyan ako magmahal ng kaibigan! AHAH.

Nung dismissal time, di ko talaga feel umuwi, kaya dahan dahan lakad ko hanggang sa makabanggaan ko sina Kei at Steph -- e pupunta silang katipunan -- sumama nalang ako bored ako e.

So dumaan kami sa may college, e may mga "tiangge" doon, tumingin tingin ako tapos may mga nagbebenta ng "pins" naaliw ako kaya bumili ako --- mga nakalagay sa pins ay

Hell was full so I went back
Kahit anong pagtitig ang gawin mo, hindi magbabago pogi pa rin ako
NBA - Natural Born Asshole
Balak kong ibigay yung isa sa ka-choir ko na makulit. Lalake siya so baka yung "kahit anong pagtitig..." yung ibigay ko HAHA. At yung "hell" akin siguro tas yung "NBA" baka sa kuya ko. HAHA. Pagiisipan ko XD
Napagusapan nga pala namin nila Janelle na next year dapat may mga kadate na kami, tapos sabay sabay kami mag dadate! HEHEHE. Wala lang, parang "bet" kung baga.
HAY. Nakakaasar parang umuusbong palang yung pagiging bonded namin tapos patapos na yung school year. HAHA.

O well, siguro mas masaya kung wala kami sa school -- para free kami diba!

O ayun.

Hanggang dito nalang.

QUOTE FOR TODAY

Ngayong valentines,
blue roses for lovers,
white chocolate for crushes;
pink balloons for friendshipts
and most of all for loveless red ---
redhorse.

5 comments:

Anonymous said...

can i take you out for a date?

yun yun eh!

he hehehe...

para naman malaman ko rin kung ano feeling ng may ka date hindi ba? :)

and the pins? nakaka aliw yung mga ganyang pins.. nakakatawa sila at nakakatawag pansin..

at yung last quote mo... natanggap ko rin yan sa text!! tara tagay tayoo..

oopppss..

nakalimutan ko, yung friend mo na nagbigay ng letter.. pakis sabi ang sweet niya!

Anonymous said...

haha. that is a funny ending quote! :) a late happy v-day!!!

Anonymous said...

hhaha uy gstong may makipagdate sayo o. nung valentines lumabas kami nung gabi, anniversary rin kasi ng magulang ko haha para masabi na nagcelebrate. pumunta kami gateway kumain kami sa teriyaki boy. tagal namin nag antay e para makakain lang. haha kakatawa ung mga lalake naghhanap ng date nila tumatawid s harap ng kotse namin tas may hawak n bouquet. hahaha.

yung date masaya lang yung pag gsto mo ung lalake. hehehehe. oi pnagisipan ko baka mag UERM rin ako hehehe.

oh well so much for valentines. isang araw lang naman yan. hahaha. kadire rin naman magdate s araw na yan eh mushy mushy kahit san ka tumingin. i-move mo n lng ung date nyo sa sabado. hahaha.

ung friendship ntin, onga e part ways na, kakalungkot, pero dapat madalas tyo lumabas.

Anonymous said...

haha. gusto ko talaga ung part na redhorse para sa loveless. :))

L y z a said...

hi kristal! onga e benta talaga ang text na iyan.... redhorse maigash