Jun 16, 2008

First Day!

First day ng school! Hindi ako nag-expect o na-excite. Parang wala lang talaga. Tutal, pakiramdam ko walang kaabang abang. Siguro nandyan na rin yung, hindi ko talaga gusto yung school ? Sa kadahilanang ang tingin ko sa lugar e magulo. HAHA. Di nga... walang canteen na malaki. HAHA!

Yung class ko naman, ang awkward nung una. Sobra. May kilala lang akong isa, nakilala ko sa orientation.

AY! Nawala wala pa ko sa lugar. Pero lakad ko, nagmamarunong! Kunwari, hindi nawawala! AHAHA! Yung tipong, ayaw mapahiya? HAHA. Pero tinext ko naman si Hazel. Andun na daw siya... blah blah tapos wrong room pala sila! AHAHA. Nauna pa ako! AHAHAH.

Anyway,
Ginulat nga kami ng Logic teacher namin at pinaboto kami kaagad ng class president.

E may tatlong lalake sa likod, binulong nung isa sa isa "Uy boto mo siya" reply naman ng sinabihan, "Sige. Uy ano uli pangalan mo?" ayon. Sinulat niya yung pangalan nung nominado sa white board.

Erik Sondesus

"Hindi hindi!" sabi nung binoboto nila, mali daw spelling. Lumapit siya sa board tapos sinulat name niya.

Erikson de Jesus.

BENTA talaga!

Mukha namang kwela at extroverted si Mr. President. Mukha din namang gagawa ng mga tungkulin.

Nung lunch time, naki-extra ako sa dorm ni Monique. Para lang akong tanga, sabi ko sa kanya "Sama ako sayo" E kasi uuwi siya! E si Hazel umuwi din! Edi kay Monique nalang ako nagpilit sumama! Tutal mas malapit! Ang nomad ko sobra... kakahiya pero di ko na inisip yon HAHA! Sorry Monique!

By 12:00 pumunta na kami sa room namin. Andun na yung iba naming kaklase. So usap usap
Tapos --- natawa ako sa naisip nilang pangalan for the batch "Kurimaw". Tapos may nagsabi, "Hindi na element?". Hirit naman ni Allan, "Element yun, Earth. TAE."

Ang gago pero benta!!

Tapos si Erikson daw yung 'Trademark' ng class kasi, may taong sumilip sa pintuan, nung mukha ni Erikson "Ayun pala o! Dito tayo"

Ayon. Okay na ko. Nagkwento lang.
UE main kami bukas, apat na subjects.

CHemistry 1:00-5:30

Laspag na kaming lahat pag-uwi.
Goodluck sa unipormeng puti.


*****
Nga pala, per batch may batch name.

Fourth: Oasis (water)
Third:Aeolus (space)
Second: Altairs (air)

Sharing...

3 comments:

Anonymous said...

waaaah first day! namimiss ko ang feeling ng first day classes T.T

nakakatawa naman yung Erik Sondesus akala ko something greeky or whatever yung surname nya XD

L y z a said...

it sounded chinese HAHAHA

sasori17 said...

haha ayos lyza ah. si erik sondesus ..... haha naalala ko lang. tawa ako ng tawa dito sa misd nung nbsa ko hehe