Jan 15, 2009

Salamat!

Kanina may isang batang nagbebenta ng bananaque. Tinanong niya ako, "Ate bananaque" syempre umiling ako at alam kong, hindi ko iyon gusto. Pero tinawag siya ng tatay ko. Tinanong niya kung magkano. Dose raw. Bumili naman ang tatay ko. E ang tatay ko, mahilig makipag kwentuhan, sabi niya "Dapat sa susunod sampu nalang yan"

Ang sinagot naman ng bata "Sampu po kasi talaga ito. Dinadagdagan ko lang ng dos para pambaon ko mamaya"

Tama nga naman diba, tax.
Naisip ko lang, ang galing niya. Mas magaling siya sa akin. Alam niyo kung bakit? Kasi siya ang bata bata pa niya dumidiskarte na sa buhay. E ako, tatamad tamad kahit nasa harapan ko na ang lahat. Dami dami kong inaalala, wala pa iyon sa tindi ng inaalala ng iba.

Naisip ko lang na MAGPASALAMAT ngayon sa lahat ng meron ako.
At nais ko sanang matutong maging KONTENTO sa mga bagay na meron ako :)

Wala lang.

1 comment:

Anonymous said...

onga e ako ren sunod sunod problema ko ngaun... hay nako kelangan natin maging matatag. go go go cops hehe