Jan 4, 2009

The Start -- i mean -- The Continuation

Hello! First of all,
HAPPY NEW YEAR!

Thank you for the new year greetings. I am sorry if I wasn't able to greet you all on that day. But don't worry! 2009 won't last a day.

I hope that we will all overcome whatever circumstances we are about to handle.
Everything is just for now (oh no! avenue q song)



---------------------------------------------------
Anyway, I really thought of writing because -- I do not feel well. Perhaps I am irritated by the fact that school starts tomorrow!
Ang daming pinagawa noong bakasyon :( Pero nung simula lang ng bakasyon ko siya ginawa. Gumawa ako ng mga speech para sa return demonstration at inayos ko ang mga notes ko sa H.Bio Pagkatapos noon, sinubukan kong i-memorya lahat ng mga sinulat kong notes at ang mga kinompose kong speeches. PERO hindi ko magawang imemorya dahil nakatatak sa isip ko "ang haba!" o kaya "ang hirap!" o kaya "nakakainis...wag na nga!"
Kaya kung ako ang tatanungin, hindi ko talaga lubusang ikinasaya ang bakasyon dahil hindi ko ito lubusang naramdaman. Salamat nalang sa mga pahanon na umalis kami nang bahay at namasyal. Okay na ako. Kahit pagharap ko nga sa kompyuter hindi siya gaanong epektibo dahil inaalis ko lang sa isip ko na may KAILANGAN pa akong gawin. Imbis na gawin ang mga gawain, dinadaan ko nalang sa laro (cabal online o yea!)
Mood swings! Grabe. Masyado ako kung mag-isip.
Pati problema sa choir napaisip ako. Pero kung tutuusin -- madaling solusyonan, ginagawan lang ng mga isyung hindi dapat. Nandito ang tuldok ---- guguhitan pa ng linya.
Hay nako!
Basta.
NEW YEAR NA!
Kaya gusto ko na rin namang LUMAKI. Maging MATURE sa mga bagay bagay. Hindi ko kailangang hukayin ang mga ayaw ipahukay. Kung ano ang nasaharap ko iyon ang gagawin ko. Kung ano ang nasa-isip ko sige sasabihin ko na. Natuto na ako at matututo pa ako. Magtatrabaho na ako bilang officer ninyo. Hindi ko na ipagkakaila o ikahihiya. Sorry nung unang panahon na hindi ako gumawa kaagad. Puwes, ito na. Nagising na ako. Kahit sabi nila na "ikaw lang naman walang kasalanan" hindi naman nila naisip na ang walang ginagawa -- ay hindi maganda.

Di bale.
MAAAYOS ANG LAHAT. Kung gusto nilang umayos, aayos. Kung gusto nilang lumalim pa, sige. Palalimin nila. Makikinig lang naman kami e -- at magpapakahirap na maging rasyonal.
HAHA. Tawa nalang :
May tamang oras diyan.
KAPAG binigay ang tamang oras GAMITIN. Huwag lang tingnan dahil hindi na babalik ang tamang oras na iyan.
Kung may maiwan man... siguraduhing masasabi sa susunod, kung pagpapalain kang meron.
Ayan ang mga natutunan ko, bago magtapos ang nakaraang taon.
Kaya ang NEW YEAR'S RESOLUTION KO ay gagawin ko ang lahat ng iaatas sa akin at mga kailangan kong gawin. Pagiisipan ko ang kurso ko (leche) At mag-iisip na ako bilang isang 'adult'
HAHAHA.
Goodbye 08!
You left me climbing from the ground.
*emo much

No comments: