Feb 21, 2009

Ano ang pakiramdam



Ano ang pakiramdam

Nang may hinihintay na tawag sa telepono
Na iniisip kung hinahanap-hanap ang tinig mo

Ano ang pakiramdam

Nang paglalakad, na parang dalawa lang ang tao sa mundo
At siya ay para lamang sa iyo

Ano ang pakiramdam

Nang may tumatakbo sa sigaw mo ng tulong
At gagawin niya lahat upang kapahamakan ay lumayo

Ano ang pakiramdam

Na sabihin ang lahat lahat
Mula sa mga hindi kanais-nais na karanasan
Maging ang mga makapagdamdaming tagpuan?

Ano ang pakiramdam

Na mag-antay
Na mag-alala
At mawalan ng pasensya?

Ano ang pakiramdam

Na masaktan.
Mabigo.
Umasa ?

Ano ang pakiramdam

Na mawalan ng aantayin
Mawalan ng sasabihan
At mawalan ng akala mo'y iyong tagapagligtas?

Ano ang pakiramdam

Ng magmahal
Na mawalan ng minamahal
At magbakasakaling, ika'y babalikan?
*Picture = my hand lol!

No comments: