Mar 14, 2009

iKaw Ang naipinTa


Nagsimula akong gumuhit,
isang taong may katamtamang taas at hugis ng katawan.

Iginuhit ko ang kanyang mga mata
na kung saan, kitang kita ang sinseridad

Iginuhit kong nakangiti, kanyang mga labi
taglay ang kasiyahang hindi napapawi

Iginuhit ko ang kanyang mga kamay,
bukas palad, handang tumulong kaninuman

Iginuhit ko ang kanyang mga paa,
handang tahakin ang mga paglalakbay

Iginuhit ko ang kanyang puso
bakas ang kabutihan
isang maalalahanin, mapagmahal at mapagbigay na indibidwal
pusong handang harapin, mga susubok sa kanyang katatagan

Nang aking tiningnan ang kabuuan ng naipinta,
napunta sa aking isipan
ang alaala ng isang kaibigan


------------------Poem for Filipino.
Topic: A Classmate. I picked Kat :)
It was really hard formulating this one.
The traits I mentioned were common. Though I can explain it, if they'll ask.

No comments: