Debate namin ngayon.
Nanalo kami!
Ako ang "Best Negative Speaker" at "Best Dabater"
Sa wakas meron na rin akong achievement sa high school!
Hindi ako pala-recite na tao at hindi rin ako madalas magbahagi ng mga opinyon ko sa klase. Kaya nga sabi ng teacher ko, nagulat siya sa akin. Syempre naman bakit hindi siya magugulat! E itong batang ito tatame-tameme twing klase, tutulog tulog pa, pagdating ng debate --- @_@
HAHAHA. Natutuwa lang ako.
Naalala ko tuloy speech ko nung 2nd at 3rd year.
Parehong okay ang result ng mga yun. Pinuri din ako ng english teacher's ko --- yung una (2nd) dahil daw tuloy tuloy rin at okay yung pag organize ko ng thoughts. Sa 3rd year, nagustuhan ng teacher ko yung "phallic symbol" (manyakis) at ang way ko na mag explain.
Tapos ngayon -- tumodo! O_O
Iniyakan ko pa to kagabi kasi sobra sobra ang kabog sa dibdib ko at nanginginig pa ako. Hindi ako makatulog 1:30 am na ako tuluyang bumagsak sa kama. 4:00 am gising na ako. Hindi talaga ako makatulog! Ni hindi rin ako makakain at pag kakain ako masusuka ako. Sobrang kaba.
Ay nga pala, bago mag simula akong magsalita -- bigla nalang akong tumakbo upang uminom ng tubig. Naririnig ko silang tumawa -- well nakakatawa nga naman, kawalan ng modo -- hindi ba naman nagpaalam sa teacher! Haha. Kabado na ko wala na magagawa!
At yun -- effective ang water.
XD
Tunay na nagpapakalma ng kaluluwa.
Maraming beses nga rin pala akong nagkamali -- pero dinaan ko sa "yes" at "ya" at sa mga gestures ko. Dun ata sila natuwa e, sa adlib. E ako, wala akong pakialam tawanan nila ako at mukha na kong gago -- whatever! Tatapusin ko lang ito!
Naaliw rin ako kasi pagkatapos ko magsalita, lakas ng palakpak e.
Wow nalang ako.
Amen nalang.
HAHA.
Ang akin lang, tapos na!
At aking binigay ang lahat
:D
~ "Life is not easy for any of us. But what of that? We must have
perseverance and...
8 years ago
5 comments:
debator ako dati nung HS din ako.. mahilig akong makipag bangayan ng mga kuro kuro.. madalas akong gawing best speaker.. at madalas din akong pumanig sa negative side. ahem ahem ahem.. ayos to! pag igihan mo pa.. magagamit mo yan pag nasa kolehiyo ka na..
kaya pala galing mo rin magsulat! haha lapitin ba ng negative side? hehe. galing ni ferbert!
Natuwa ako sa "Best Negative Speaker". Meron palang ganun. Hehe. Sori, walang alam sa larangan ng debatihan.
randoms :: negative side ang dinefend ko so --- kaya siya negative speaker --- yung isa best affirmative speaker :D
CONGRATS! Nakanang naman itong si Lyza. Pasimpleng PALABAN. :))
Post a Comment