Mar 2, 2008

For the greater Glory?

Opinion lang a.
Lahat ng tao nagkakamali...
Lahat ng tao may pangit sa ugali...
sa dami ng lahat ng tao, yung iba lang nahuhuli

Tulad ni ARROYO, huling huli.Kaso... bakit siya lang kaagad napapansin ng media? e yung maliliit na bagay na lumalaki kapag pinagsama sama? siguro 6 feet or more na iyon at natural, mas malaki kay gloria. Bakit mga yun di napapansin?

Alam niyo kasi, kung naayos ang 6 feet or more na mga problema na iyon, pwede nang tanggalin ang gobyerno sa buhay nating mga pilipino. oo, e kung mga good citizens tayo, bakit pa kailangan ng government?

ang gobyerno nandyan para sumuway -- sumuway dahil gusto lang nila -- dahil sabi sa batas -- kahit di mo gusto yung batas kailangan sundin. WAIT, sinusunod mo ba? Oo nga pala, dahil sa tingin mo "hindi naman nila sinusunod" hindi mo na rin susundin .... a kaya pala... apo ka siguro ni glory noh?

hindi lang kasi gobyerno ang problema ( quote Lora kung saan sinulat niya sa bloggah :D )kung ipalabas ang pagkamatay ng isang batang pulubi? susugod ba ang lahat para pagusapan ang kapabayaan sa paslit? pano na rin kaya yung babaeng pinagtulungan ng mga hinayupak na lalake upang siya ay gamitin para sa kanilang masturbation? magsasama sama ba ang madla para mabigyan siya ng hustisya? yung tipong pupuntang EDSA para mag rally? o kaya mga taong inaapakan ng isang mayamang manager, aaksyonan ba?

Anong mas madali... yung maliit na bagay o yung malaki? Maliit diba. E bakit yung malaki na inaatupag nila? ang daming ibang something dyan na pwedeng pagtuunan ng pansin si gloria pa?

ISANG tao lang yan sa libo libong pilipinong nangangailangan ng tulong.
ISA LANG
ISA
one half pa nga e....

Kaya peeps, chill
2 years pa bago mag 2010 -- kung bumaba yan no difference, andyan pa rin ang mga manager na kurakot, mga pulubing nasa kalye, mga babaeng ginagahasa at ang mother earth na naghihingalo.... andyan pa rin mga problema....

Ang tanging mababawas ay ang nasa gobyerno.
Oras niyo rin mababawasan.
Sayang.



------ P.S.S gabi na alam ko. uminom ako ng pepsi at na high ako. ngayon gusto kong pagusapan ang topic na ito --- salamat rin kay LORA at ang post niya ang naginspire sa akin!!!!!

11 comments:

Anonymous said...

You have a point.
hanggat walang disiplina ang mga pinoy patuloy na lalagapak ang pilipinas

Anonymous said...

wow grabeh ang ganda ng opinion mo sis tama ka diyan sis. imbes na puro si gloria ang laging tuunan ng pansin bakit di nila pagtuunan ng pansin ung iba di ba. mas marami ang nangangailangan diyan at madami pang dapat mga gawin at ausin.

ang mga pinoy nga naman puro sarili ang iniisip lol di ko naman nilalahat ha lol baka may magreact.

Anonymous said...

I guess people will always be people, we just tend to think so much, think the way we want to think, that is, regardless if it's really the case or not.It's true we have a price we have to pay for every decision we make. It's true we have to learn how to control ourselves and practice the art of being just. But when it comes to feelings, to strong emotions, is there such a thing as being FAIR?

You see, we can all judge. I mean, we would be hypocrites if we say we don't. But just know your limitations. Make sure your judgments can be proven easily. Do not judge more than what you can see, not just your personal opinions that may not really be true. Most importantly, do not exaggerate and do not make up stories to conclude your judgments. Be fair and believe in karma.!

L y z a said...

rose :: oo dapat yung iba din makita nila. well sige, masyado ngang maraming tao para mapansin nila -- kaya dapat tayo tayo nalang, kasi hindi lang ang gobyerno ang bumubuo ng Pilipinas -- mas maraming mamamayan

krisha ::

"But when it comes to feelings, to strong emotions, is there such a thing as being FAIR?" sa tingin ko -- kapag emosyon ang pinaguusapan -- hindi fairness kundi understanding ang basehan.

"Make sure your judgments can be proven easily" judgement is a form of opinion, kung ma pprove nang madali ang isang husga -- sasang-ayon nalang mga tao at hindi mag iisip o iintindihin ang bagay at hahanapan ng sagot kung bat nga ba sila sumang-ayon. kung gusto mo po ng ebidensya, sa mga lansangan o ilalim ng tulay nandun na, hindi kailangan ng written report para sa ebidensya. Panghuli, ang husga ko dito sa post ko, opinion ko.

"Do not judge more than what you can see, not just your personal opinions that may not really be true" a, oo yun nga ginagawa ko :]

"Most importantly, do not exaggerate and do not make up stories to conclude your judgments" exaggerate? it's my way putting some twist -- figures of speech. Stories? What story?

"Be fair and believe in karma" Likewise.

L y z a said...

umleo23 :: disiplina! yun yun :D

Anonymous said...

Oo nga no, hindi ko na point out yung mga katulad ni Don Montero, at kung iisipin mo ulit. Nag aklas ang mga mangagawa hindi dahil sa presidente DAHIL KAY DON MONTERO.

naaalala mo rin ba yung sinabi nang Presidente kay Mando?

"Bigyan niyo ko nang panahon, imbis na "isubsob" niyo ko sa putikan TULUNGAN NIYO KO"

yahoo! Nagagamit natin ang MIM sa kasalukuyang panahon!!!

L y z a said...

ahaha. sa tingin ko ibang sitwasyon ang kay arroyo --- para na siyang si montero --- yung presidente sa MIM wala naman yung kibo e -- "by the book" ang buhay nun. si arroyo taliwas, parang montero.

pero ang galing noh, umuulit lang ang panahon. kapanahunan pa ito ni marcos umulit na kay estrada, tapos kay arroyo pa! walang pagbabago -- ay mali -- walang nagsisimulang magbago.

sana basahin ng mga tao "Ang mga ibong mandaragit" ni Ka Amado! ahah.

Anonymous said...

onga e. di rin ako masyadong into politics eh pero lam mo yun sa tao lang tlga yun eh di sa gobyerno. kesa nga magreklamo, kumilos na kasi. aksaya lang ng oras ang pagrreklamo sa ganyang sitwasyon kasi we make the country dapat lahat kikilos. saka yun nga diba kurakot na cguro mga 90% ng mga politicians, wag na tayo umasa na biglang bumait sila dahil wala na talaga.. selfishness tlga part ng human nature ng tao.

Anonymous said...

this drama of our country's politics is just another episode of a repeated history.

kung mapatalsik si glorya before her term ends, edi tsamba.

saka wala pang mapisil ang mga nagmamamarunong sa lipunan na hindi naman pulitiko na pwedeng ipalit kay glorya. kung si noli boy din lang, baka lalong lumala. hahaha.

opinyon ko lang yun ha. n_n

Black Antipara said...

Gobyerno ng Pilipinas ay isang palabas na gaya ng kay "Master Showman."

Karamihan sa politko ganid na. Sabi nga ng kaibigan ko "Walang umakyat ng bundok ang hindi nagdumi ang sapatos"

Sa gobyerno(partikular ang politika) ganun din kaya?

Nice post mare!!!!Godbless

L y z a said...

janelle :: onga maraming politicians na kurakot. pero, sa totoo lang, maraming "potential" presidents, hindi lang sila na-rerecognize. siguro walang puhunan para mag advertise ng sarili -- kailangan ng mga tao sa gobyerno mag "anti-stress" ball muna -- they shall take a break, and have a kit kat !!

holy kamote :: onga repeated history whew. at sa tingin ko mapapatalsik si gloria -- repeated history kasi AHAH. Si Noli... ewan ko mas gusto ko siya bilang host ng magandang gabi bayan -- mukhang agree lang siya ng agree -- may pagka N.R, hehe.

kauste :: Master Showman nga! nabasa ko nga sa blog ni krisha "Actors make the rules and politicians provide the entertainment."

"Walang umakyat ng bundok ang hindi nagdumi ang sapatos" oo at dahil maarte sila, bababa na sila ng bundok dahil ayaw nila ng maduming sapatos :] diba? hehe. bababa na yang si glory, di kaya ma reach ang bundok.