Nagtapos ang araw na ito na parang isang regular na klase lamang. Huli na itong araw ng akademya -- pero hindi pa huling araw ng pagpasok. Subalit -- sinong hindi magagalak na wala na ang lahat lahat ng bagay na nagpapahirap?! Sino pa kundi -- WALA!
Nagsipag hiyawan nga mga ka-batch ko nung narinig nila ang bell ng sorbetero. Yung parang "kring kring" ng nagbebenta ng dirty ice cream. E ako, hindi ako makahiyaw ng todo, well actually wala talaga akong reaksyon. Hindi pa siguro ako nahihimasmasan na tapos na nga ang lahat. Hindi pa kasi nag-ggraduation kaya hindi ko pa talaga nararamdaman.
Maaga akong dumating ng school kanina para makapag-cram pa ako para sa Physics. Pero naisip ko, parang napakaganda ng araw para mag-review ka lang ng Physics. Yung isa ko ring kaklase di na nag review e, tinatanong lang niya sa mga kaklase ko kung ano gagawin nila after (si sarah hehe) Kung iisipin, hindi ko pa talaga kilala lahat ng mga kaklase ko. Kilala ko lang sila kung pano sila mag-recite at magpahayag ng saloobin sa klase -- higit pa doon, wala na. Kilala ko lang sila sa physical na anyo at syempre -- sa kabutihan twing binabati nila ako ng "hello".
Sa tingin ko marami akong kaklase na may mga magagandang opinyon tungkol sa mga bagay bagay, mga kalokohan at kabastusan na hindi ko na natuklasan. Sayang.
Pero ayos lang, salamat na rin at nadagdagan ng mga pangalan ang ala-ala ko.
Kanina may naalala ako, nangyari noong third year ako. Kasi physics yung exam, so natandaan ko last year chemistry -- may ginawa kaming kalokohan ng mga ka grupo ko sa Lab. Simula palang ng taon, first meeting namin sa Chem Lab, nawala na namin yung 'small brush'. Nung last meeting na (pinaka last) clerance day para sa Chem Lab. Napakalaki ng problema namin at walang nag-effort para bumili ng small brush. Kaya ang ginawa namin? Binuksan namin ang isang 'locker' ng ibang section, kinuha ang small brush --- at nakatakas! Oo. Walang sablay. Tagong tago ang istorya naming ito -- kaya QUIET lang kayo. Kayong unang nakarinig nito ahihihi.
Gustong gusto ko ang mga kagrupo ko nung third year (grace at yumi! ahaha). Tipong nag oonline kami, 2:00a.m. para pagusapan ang gagawin sa Lab Research namin. Pagnatapos na naiming pagusapan yung mga dapat pagusapan, maglalaro na kami ng -- O2Jam :D Nakakamiss sila. Since hindi na-block yung sections namin, never ko na sila nakausap. Sayang at magkakasundo pa naman kami...
Pero ayus na rin at naitala sa memorya ko ang mga pangyayaring ito.
A, oo nga pala. Sayang at ngayon lang naging guro si Ms. Malvas. Noong una, nabbwisit pa ako at sayang nawala si Sir Belardo. Lahat kami gustong gusto si sir Belardo kaya, parang nung umalis siya kalagitnaan ng taon, nainis kami. Yung teacher pa na pinalit, ang sungit ng itsura! Parang hindi ka pakakainin kapag nagkamali ka ng sagot. Kaso -- MALI ang akala. Magaling siya magturo. Seryoso siya at gusto niya lahat kami nakakaintindi. Nagagawa niyang patahimikin ang klase at ang mga ekspresyon niya, nararamdaman naming seryoso siya. Siya ang tipo ng guro na alam mo talagang gusto niyang matuto ang mga estudyante niya. Sa ikli ng panahon na tinuruan niya kami, bawat araw naman ay may natutunan kami.
Mamimiss ko siya! At si sir Belardo.... darating kaya sa graduation namin?
Si sir Resty, ang "Best imperfect teacher" para sa akin. Grabe ang kwento niya! Sobrang mas bagsak pa mga grades niya sakin kaysa dati. Pero nagsumikap at pumasa --- biruin niyo, 71 siya sa physics dati -- pero ngayon -- Physics teacher siya at ubod ng galing! Sabi nga niya sa amin, hindi lang "Physics" ang meron kami -- kung ginawa namin ang lahat at ibinigay ang lahat ng kaya, hindi imposibleng makapasa.
Kung tutuusin, parang ang "highlights" ng high school ko nasa 3rd at 4th year lang. At yung mga worthwhile friends ko, 3rd year lang kami nagsama.
PERO!
Fact.
Grade 7 palang magkakakilala na kami. AHAHAHA. So okay, hindi lang 3rd year kami nagsama pero 3rd year kami talagang naging close. In short, 5 taon kami magkakakilala (and counting)
Hay.
Aalis na talaga ako ng HS noh.
Pero sabi ko nga. Di ko pa rin talaga feel. May kulang e. Kung ano yun, hahanapin ko muna (wahaha)
-------------------------------------------------------------------------
Nga pala, PEN! Salamat dito:
Kung may makita akong ganyan sa ulap, perfect heart shape kung baga, baka gusto na kong kunin ni Lord niyan O_O hehe.
Binigyan mo na si ZKEY at mukhang meron na rin si Verso, yung mga idol ko nabigyan mo na, at syempre ikaw rin na idol ko meron na! ahihiihih
Kaya ipapasa ko pa ito kina:
Janelle at Lora! Dahil parehas nilang nilalagyan ng puso ang bawat mensahe sa kanilang blogs. harhar.
4 comments:
ang maqueso ng message mo. ANG EMO MO TALAGA!
hahaha :P
may pic tayu sa blog ko isa pa lang :P
:]
yey!!! ga graadwyet na!!! college life naman!
uy thx dun sa big heart award. hahahah!!
ako iniisip ko ung mga teachers ko sa 4th, si sir bigs lng tlga mamimiss ko e. kasi siya yung tlgang nagbigay ng lahat ng makakaya niya. si sir zaldi rin nakita ko efforts nya kaso di ko tlga gusto CL class. haha.
ok si ms. malvas, dami nagssabi na maganda tlga dapat may kahalong humor s pagtuturo pero na disprove ni ms.malvas yun. gusto ko nga rin siya eh kasi tlgang tutok sya sa mga estudyante nya kaya serious.
si sir resty rin pala eh astig ano, totoo nga sinasabi ni lora na mukhang emotional siya sa loob pero di lang pinapakita. hehehe =)
oh well, ang high school di ko feel magdrama o magdwell dun masyado. Alam ko naman na bawat tao don ay may special something sa kanila, di ko naman sila naging close kaya bat ako magddrama. marami pang ibibigay ang college or after ng college. imagine mo 80 yrs old tyo mamamatay, eh 16/17 yrs palang nun nagagamit natin. haha dami pa ddating. :))
haha! onga janelle... 17 palang tayo, marami pang taon! basta wag natin bilangin para tumagal!
Post a Comment